Thursday, February 12, 2009

why did I ever do that? Ughh.

Okay, tagalog... mhmmm..

Kasi naman ganito yun, habang naglalakad ako papuntang plaza cote-des-neiges kasi dun ako kakain, biglang dumaan yung crush ko sa harap, gusto kong suntukin yung bag nya kasi naiinis ako sa kanya, so ginawa ko yung porma na susuntukin ko siya, pero di ko naman kaya yun. haha. porma langgg.. so after nun, may biglang batang lalake na tumalikod at nakita ako. Tapos nun, lumakad siya papunta dun sa kaibigan niya, kaya pala, kasi sinabi niya pala yung ginawa ko dun sa crush ko, tinuro turo nya pa ko. Nakakahiya talaga. Eto pa ang masama, di ko lang sigurado pero parang siya yung binabato bato ng snowball ng crush ko. So paano kung sabihin nya sa crush ko na ginawa ko yun? Ugghh, naiinis talaga ako kung bakit ko ginawa yun. Papampam kasi ako eh. Haha. Naiinis kasi ako sa kanya, ang ingay ingay nya, ang lakas lakas ng boses nya habang may kausap sa cellphone, ang lalim pa ng boses nya, nakakairita na yung boses niya eh. Pero, gwapo pa rin siya. Haha. Di ko talaga alam ang gagawin kooo.

Je vais mourir.

6 comments:

Anonymous said...

filipino ba? pasimple na lang sa susunod. namiss kong tumambay dito ha. nice layout. :)

ellolouisa said...

di eh, galing siya sa rome. kaya sobrang di ko maintindihan yung pinagsasabi nya.
haha, thank you!! namiss ko din pagtambay mo. :)

popdown13 said...

haha yan kasi ang tapang eh jeje happy heartz dae nalang jan

ellolouisa said...

uyyyy, na-miss kita! haha.
oo nga pala, di ko nasabi sayo, nahack yung fs account ko pero I have a new one.
happy hearts day to you too!
:D

krykie said...

hello! happy heart's day Ü

ellolouisa said...

happy heart's day to you too! :)